m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community, kaplogan, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kantutan stories, pinoy gay stories, pinoy m2m stories, kwentong kalibugan, pantasya stories, pantasya collection, tagalog gay stories, gay filipino stories, top pinoy gay site, pinoy libog stories, gay pinoy, bakla sites, bading sites, pinoy gay porn, pinoy gay, pinoy gay scandals, m2m pinoy, pinoy gay movies, pinoy gay indie,

Sunday, July 19, 2015

When I Fall, I Fall Hard

By: amazingTORQUE

“Kailangan mo ba talagang umalis?”
Hininto ko muna ang paglalagay ng mga damit na dadalin ko at lumapit sa kanya. Sumampa ako sa kama at nag indian sit din sa harap niya habang tinanggal ko ang pagkakahalukipkip niya.
“Charles napag usapan na natin to diba? Alam mo namang this is my dream. At bihira lang dumating yung opportunity na to.” Marahan niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
“Pero Kim, hindi ba masyadong matagal ang two years?”
Hinila kong muli ang kamay niya para mas lumapit siya sakin na sumunod naman siya. Iniyakap niya ang kanyang sa ibabaw ng balikat ko at ipinulupot naman ang aking mga bisig sa kanyang bewang. Hinalikan ko pa ang noo niya bago muling humarap sa kanya na ilang sentimetro na lang ang layo.
“Babe, two years lang yun. Sa sobrang advance ng mga technology ngayon hindi mo mamalayan na nakadalawang taon na pala. Sisiguraduhin kong everyday ay makikita mo ang aking napakagwapong mukha.”
“Seryoso ka ba jan? nasan bang banda?” hinawakan niya ko sa panga ko at pakunwaring sinipat sipat pa ang muka ko. “Parang di ko makita?”
Tumawa pa siya at muling yumakap sa batok ko.
“Mamimiss kita.” Bulong ko sa kanya habang nakapatong ang ulo ko sa balikat niya.
Lumayo siya sakin at muli akong hinrap. Nakita kong basa na ang mga bilugang mga mata na napapalibutan ng malalantik at mahahabang pilik mata at sa ibabaw nito ay ang makakapal na kilay. “Kung mamimiss mo ko, wag ka ng umalis.”

Nginitian ko lang siya at muling hinalikan sa noo. Matagal na halik na halos hindi ko na namalayan na humahagulgol na siya habang patuloy lamang ang pagtulo ng aking mga luha.
“Ano ba yan para tayong mga bakla. Kung makaiyak wagas.” Binatukan niya pa ko sa gawing kanan ng ulo ko.

“Ikaw nga tong may pahalik halik pa e.” Nagtawanan kaming dalawa.

“I love you babe.”

“I love you too.” At sinelyuhan niya pa yun ng isang mainit at nakakapang hinang halik sa labi ko.

Hindi naman ako papahuli kaya may pinag-igting ko pa ang paghahalikan namin. Unti unti kong naramdaman ang paglapat ng aking likuran sa malambot na kama. Gumagapang na ang kamay ko sa matigas at malapad niyang likuran habang siya naman ay patuloy lamang ang paghalik sakin. Hinuli niya ang malalaman kong braso at pinagapang ang kamay hangang magatagpo ang aming mga kamay na nasa ibabaw ng ulo ko. nararamdaman kong ibinubuka niya ang mga hita ko gamit ang mga hita niya. Ngayon ay nakapalupot na ang aking mga mahahabang binti sa bewang niya. Tumigil muna siya sa paghalik na akin namang ikinabitin.

“Teka di ka pa pala tapos mag ayos ng gamit hahahaha.”

Binitawan niya ang mga kamay ko at umayos ng pagkakaupo. Sinuntok ko siya ng mahina sa kanang balikat habang patuloy ang pagtawa niya.

“nakakainis ka. Lagi mo na lang akong binibitin.” Nakapatong parin ang mga hita ko sa hita niya at nakapalupot pa rin sa bewang niya.

“Bibitinin talaga kita para mapigilan kitang umalis.”

“heh! Kala mo jan. Di mo na ko matitikman.”

“Sus may isang gabi pa ko. papagurin kita mamayang gabi kaya bilisan mo na jan.”

Kumindat pa ang loko habang tinutulak ako palayo sa katawan niya. Sumunod naman ako pero nang nakatayo na ko sa kama ay hinila niya ang boxer ko kaya humantad ang pagkalalaki ko. natatawa pa siya pero di ako papatalo humarap ako sa kanya at pinilit ko talagang matapat ang junior ko sa muka niya na ikakatakam niya panigurado.

Tumingala siya at pilit na pinagdikit ang mga labi. Nakataas ang kanang kilay at nakipagtitigan sakin. Hindi ko pa rin inaalis ang pagkakaharap ko sa kanya. Nagsusubukan kami kung sino ang unang bibigay. Pero sa pinakaunang pagkakataon ay ako ang bumigay at hinila pataas ang boxer ko.

“Ayaw mo ahh. Dun ka sa kwarto mo matutulog ngayon.”

“Biro lang pakiss nga” tumayo siya at humalik pa sa pisngi ko.

“Tulungan mo na lang kaya ako mag ayos ng gamit ko para mas mabilis ako.”

“Okey” bumaba kami ng kama at nagsimulang magligpit.

Pinagmamasdan ko lang siya habang patuloy na nag aayos ng gamit. Alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang iwan tong hinayupak na to. Sa tagal ba naman ng panliligaw sa pabebeng machopapa na ito ay pakakawalan ko pa.

Habang nakatingin ako sa kanya ay patuloy kong inaalala kung pano nga ba kami nagsimula nitong lalaking pinakamamahal ko. naalala ko pano kami unang nagkita.

Umuulan nun at asar na asar ako dahil hindi ako nakapagdala ng payong dahil hindi naman inaasahan ang pagbuhos ng ulan. Nag aabang ako ng bus na pwede kong sakyan. Nakailong lang ako nun sa isang stall ng nagtitinda ng burger. Habang pinupunasan ko ng panyo ko ang braso kong naaabot ng ambon nang may tumigil na jeep sa harap ko. Nagbabaan ang mga pasahero. May mga mangilan ngilang estudyanteng tulad ko ang nagtakbuhan upang makahanap ng masisilungan. May mga nakisiksik sa tabi ko ang ilan nga ay nadali pa ang bagong bili kong leather shoes kaya mas nainis ako. Nagsorry naman sila kaya nginitian ko na lang din. Pero napukaw ang atensyon ka ng isang lalaking bumaba mula sa pasenger seat ng jeep. Tantya ko ay kasing tangkad ko siya na 5’8. Maputi siya at malayo sa kulay kong moreno. Pilipinong pilipino daw ang kulay ko. sinuyod ko ang katawan niya at halatang nagbubuhat tong lalaking to. Pero mas nakapagpahumaling sakin ang mga bilugan niyang mata. Napansin ko din ang mahahabang pilik mata niya na parang ginamitan ng curler dahil sa ganda ng pagkakapilantik nito. Bumagay din sa kanya ang makakapal niyang kilay. Bad ass!!! Napatulala ako sa marahan niyang paglakad sa ilalim ng itim na payong niya.

Tumigil lang siya sa pinakaharapan ko. hindi na siya nag abalang sumilong dahil napansin niya sigurong madami dami na ang mga tao sa tabi ko. nakatayo lang siya duon at nakapamulsa habang hawak ng isang kamay ang itim na payong. Pero nahiya akong bigla ng biglang lumingon siya at nahuli niyang nakatitig ako sa kanya. Iniiwas ko na lang ang aking tingin.

Nangangawit na ko sa pagkakatayo. Kakaunti na lang ang mga tao sa tabi ko kaya sumilong na rin si pogi at dun pa talaga sa tabi ko. kaya mas nanginig ako. Hindi dahil sa lamig pero dahil sa presensya niya.

Napansin kong kaming dalawa na lang pala ang nakatayo sa harap ng burger machine. Yung iba kasi ay nakikipagsapalaran kahit tayuan sa bus. Pero dahil dakila akong maarte ay naghihintay ako ng bus na hindi ko kailangang tumayo. At isa pang dahilan ay inaabangan ko kung kelan at saan sasakay si pogi.

“Ate cheese burger po! Tsaka po pineapple juice.”

Lumingon ako sa nagsalita. Nakita kong nakaupo na pala si kuyang pogi sa upuang nakalaan lamang para sa customers. Hawak niya lang ang cellphone niya. Rich kid din tong si kuya at naka iphone din. Makatapos maluto ay inabot sa kanya ni ate. Sakto namang may parating na bus. Sinipat sipat ko itong mabuti at napansin kong kaunti na lang ang pasahero nito. Dahil pag tingin ko ay mag aalas otso na pala ng gabi. Ay potek alas singko lang nandito na ko tatalong oras na pala ko. Saktong tatakbo na sana ko papasok sa bus ng maramdaman kong magsikong tumama sa balikat ko pagtingin ko ay si kuyang pogi inihanda niya pala ang payong niya. Papasukubin niya yata ako. Nginitian niya ko kaya sumukob na lang din ako.

Ako ang naunang pumasok sa bus kaya nakita kong halos mas madami pa ang bakante kaysa sa naokupang upuan. Naupo ako sa pinakamalapit na bakanteng upuan. Lumagay ako sa gawing bintana dahil trip kong mag emo hahahaha biro lang.

Nakatingin ako sa labas ng maramdaman kong may tumabi sakin. Nilingon ko yun at si kuyang pogi pala. Nagulat ako dahil sa pagkakatanda ko ay marami pang bakante. Nakatingin lang ako sa kanya na nakakunot ang noo. Siyempre baka mamaya modus na pala to. Pero di naman siguro dahil nakauniporme naman siya.

“Bawal ba?” napapitlag ako nang marinig ko ang lalaking lalaki niyang boses. Umiling na lang ako at muling ibinalik ang tingin sa labas. Di ko namalayan na nakangiti pala ko.

“Bakit ka nakangiti?” nanlaki ang mata ko. inaninag ko ang repleksyon ko sa salaming bintana at nakita kong nakangiti rin siya.

“M-may na-nakita kasi a-ako. Tama! May nakita ako sa labas na nadulas habang tumatakbo”

“Nasan? Patingin nga.” Mas nanlaki ang mata ko sa ginawa niyang paglapit sa bintana upang masilip yun halos isang pulgada na lang ang layo ng muka ko sa pisngi niya.

“Wala naman e.” napahigop ako ng maraming hangin sa ginawa niyang paglingon sa harap ng muka ko.

Natawa siyang bumalik sa pagkakaayos ng upo niya. Hindi ko pa rin naibubuga ang hangin sa baga ko. di ako makakurap dahil sa pagkabigla. Napansin kong iiling iling lang siya habang binubuksan ang plastic ng pinaglagyan ng burger.

“Eto ohhh!” sabay abot ng burger sakin. Kahit naramdaman kong gutom ako ay nginitian ko na lang siya at inilingan.

Ngumiti siya at sinmulang talupan ang burger na hawak niya. Nang biglang…

KRRRRRUKKKK!!

Mas lumapad ang ngiti niya bumaling sakin hinawakan ang baba ko at pinilit na pinanganga. At kapagdakay sinubo sa akin ang cheese burger wala na kong nagawa kaya kumagat na lang ako.

“Aarte pa? kunin mo na gutom din ako at may hawak akong juice kaya hindi kita masusubuan ng maayos.” Kapagdakay dinampot ko na ang burger na inaalok niya.

Nagsimula na rin siyang kumain. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay nakaharap sa TV na nagpapalabas ng pelikula.

“San kayo?” natigil lang ako sa pagtitig sa gwapong katabi ko ng tumapat na sa amin ang konduktor ng bus.

“****** estudyante po!” sabi ko sabay abot ng ID ko.

“***** estudyante din po. Tol pakuha naman ng ID ko may hawak kasi ko.” ewan ko pero sunod sunoran lang ako sa kanya. Kinuha ko ang ID niya at inabot sa konduktor.

Nagulat ako ng iabot niya sakin yung burger niya. Anong problema ng taong to. Pinakuha pa sakin yung ID niya ipapahawak rin pala tong burger niya. Nakita kong kinuha niya ang ticket na inaabot ng konduktor.
“Kuya magkano po?”

“kayong dalawa? 137 lang.”

Gamit ang isang kamay ay inilagay niya ang wallet sa isang kamay na may hawak na juice at kumuha ng 500 pesos at inabot sa konduktor.

“Uy teka ako na magbabayad nung akin.”

“Hayaan mo na tol. Utang naman yan di naman kita ililibre.”

Bahog pala tong isang to. Nagkautang pa ko ng wala sa oras. Iniabot ng konduktor ang mga ID namin at ang sukli niya.

“ito na yung burger mo. Kukunin ko lang wallet ko sa bag ko.”

“Ang kalat mong kumain.” Pinunasan niya ang gilid ng labi ko at nakita kong may tulo ng ketchup yung dulo ng hinlalaki niya. Pero mas ikinagulat ko ang sunod niyang ginawa. Sinipisip niya ang tulo ng ketchup na galing sa gilid ng labi ko.

“Kadire ka pre.” Pero sa totoo lang ay parang may kumislot sa ilalim ng pantalon ko na alam kong di ko mapipigilan. Dahil sa ginawa niya iyon sa pinakanakakaakit na paraan.

Tumawa lang siya at kinuha ang burger niya. Nag tatangkain kong kunin ang wallet sa bag ko ay tinabig niya ang kamay o gamit ang siko niya.

“Wag mo na ngayon bayaran. Libre ko na yun sayo.”

“Hindi ito na ohh. Libre na nga tong burger e.”

“Anong libre? May bayad yan. Pero wag muna ngayon.”

“Kim” inilipat niya ang burger sa kamay na may juice at iniabot ang kamay niya.

“Charles” ay putek kamay ba ng babae ang hawak ko? sobrang lambot. Nahiya ako ng bahagya dahil hindi naman malambot kamay ko pero di naman magaspang at matigas. Sakto lang.

“Napapsarap ka naman sa lambot ng kamay ko.” bigla kong binitawan yung kamay niya at pakiramdam ko ay isa akong kamatis na mapulang mapula. “Pero mas masarap tong kamay ko kapag pinanghawak sa ano?” mas nag init ang pisngi ko sa sinabe niya.

Hindi mo siya mapag iisipang silahis o bading dahil sa itsura at tindig niya ay malayong malayo ito na maging isa sa federasyon. Kaya hindi ko alam kung totoo ba yung mga sinasabi niya.

“Ilan taon ka na?” pag iiba niya ng usapan.

“Turning 20 next month.”

“Mas matanda ka pala sakin. 18 lang ako.”

“Weh!?”

“Di ka naniniwala? Gusto mo pakita ko birth cert ko.”

“Ang matured mo namang tignan.”

“Parang di naman compliment yan.”

“Ay sorry pero hindi nga halatang 18 ka lang parang kasing edad lang kita.”

Naputol lang yung usapan namin dahil may naupo na sa katapat ng upuan. At kakilala niya pa pala.

“Uy tita.” Bati niya rito

“Charles! Kita mo nga naman napakagwapo naman nitong batang to. Siguro marami ka ng napaiyak na babae.”

“Ay good boy po ako tita. Di po ako nagpapaiyak ng babae. Hehehehe”

Hindi ko na pinakinggan yung usapan nila dahil halatang napapasarap sila sa kwentuhan nila. Inubos ko na lang yung burger na bigay niya. Di ko na namalayan na nakatulog na pala ko.

Naalimpungatan lang ako dahil sa sigaw ng konduktor. Nagmadali akong nag ayos dahil dito na pala ko bababa.

“Dito ka na?”

“OO e.” pinaraan niya ko sa harap niya. Nakita kong medyo basa yung kanang balikat niya. Paksyet tumulo ba laway ko?

“Hahaha ayos lang yan. Remembrance!”

“Sorry nakakahiya.”

“Ayos lang.”

“O yung bababa pumunta na dito sa harap.” Sigaw ng konduktor

“Pasensya na talaga ahh.”

“Ayos lang sige na ingat ka.”

Medyo tila na yung ulan kaya nakababa ako agad. Nag intay muna kong umandar yung bus para tignan muli ang gwapong muka ni Kim. Pero pagtapat niya sa akin ay kumakaway siya at nakangiti. Nakitang kong may tinuturo siya. Nanlaki ang mata ko dahil ngayon ko lang naalala na hindi ko pala nakuha yung ID ko.

Dun nagsimula ang lahat. Maraming pang nangyari samin. Oo, sapilitan niya kong pinanligaw. Anim na buwan rin yun. At kung ano ano ang ipinagawa niya. Pero alam kong siya na. Dahil siya lang ang taong nakapagpasaya sakin ng ganto. Kaya kahit nahihirapan ako ay kailangan kong iwan muna siya panandalian.

“Malusaw naman ako babe.”

“Sama ka na lang kaya?”

Note: di ko alam kung san pupunta tong kwento ko dahil fiction lang siya at on the spot writing lang ginawa ko dahil first time ko lang naman po sana magustuhan niyo

6 comments:

  1. Prince Ryan Irtap-PelaezJuly 20, 2015 at 4:10 AM

    nice! love the story lol

    ReplyDelete
  2. Shit lang, bat kelangan mong sabihing fiction yung story? bat di mo hinayaang kami na lang nag isip nun, grabe, nadala ako sa kwento, sabi ko sa isip, ang sweeet, puta nabasa ko yung fiction lang pala. pero anganda ng story, next part po.

    ReplyDelete
  3. ang ganda nung story, nakakainspire umibig ulet hehehe👍👍

    ReplyDelete
  4. Shet ang ganda po ng story .. at first parang ayaw kong basagin kase libog akoHAHAHAHA pero nubgbinasa ko na ng derederetso.. hay! Buti nalang di ko nilagpasan to! Next part na! Haha

    ReplyDelete
  5. sorry po! hehehe. pero this is my dream love story hahaha.

    ReplyDelete
  6. Kapangalan ko. Damn. Hahaha

    ReplyDelete

Read More Like This