m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community, kaplogan, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kantutan stories, pinoy gay stories, pinoy m2m stories, kwentong kalibugan, pantasya stories, pantasya collection, tagalog gay stories, gay filipino stories, top pinoy gay site, pinoy libog stories, gay pinoy, bakla sites, bading sites, pinoy gay porn, pinoy gay, pinoy gay scandals, m2m pinoy, pinoy gay movies, pinoy gay indie,

Friday, June 22, 2012

A Month's Love Affair (Part 1)

By: Wolfram

Hi readers! Been here on this site for a few days to read great stories about same sex relationships. So I decided to share my story as well.

My name is Wolfram. (not my real name) Nakatira sa Citta Italia, Imus, Cavite. I'm 24 years old now, 5'6" and height, chubby and fair complexion. My family knows that I'm gay (but not the type na malambot) and they accepted me for who I am. Gusto ko lang ibahagi ang pinaka maikling relationship ko and this happened with a guy named Ren. (not his real name) I was 18 years old when I met my first guy but that's a different story. Let's focus sa 2nd relationship ko and this happened on September of 2011.

September 3, 2011
Naka-online ako sa PlanetRomeo that day. Nagaayos ako para sa birthday ng pamangkin ko. He's turning 2 that day and I decided to buy him a cake sa Robinsons when suddenly tumunog ang message alert ko sa PR. The guy said "Hi" so, I replied "Hello". His name is Ren (not his real name) sabi nya. Nagpakilala din ako. Asked if I'm busy at sabi ko medyo. "Getting ready to go sa Robinsons, leaving in an hour." Pwede daw ba kami mag-Skype and since mahaba pa naman ang oras, nag Skype kami. Hindi sya kagwapuhan pero lalaking-lalaki yung dating nya, meron syang sideburns (one of my weakness sa isang guy), moreno and a nice curved body. Nakangiti sya at napansin kong meron sya retainers. Bungad nya, "Hello cutie!" at sabi ko "Hey there, patootie!" At natawa kami sa isa't-isa. Tinanong ko sya kung bakit nya naisipang mag-Skype kami and he said na gusto nya lang daw ako makita. Napa-"AHH..." na lang ako at sabay tumango-tango. He asked for my number and I asked why, para daw magkatext kami kapag nag-log out na ako.
Since nakakatuwa naman sya at mukhang mabait, ibinigay ko na. Gusto ko lang naman magkaron ng panibagong kaibigan. Nagusap pa kami for almost about 30 minutes nang bigla nyang sabihin na gusto nya ako makita personally. Sabi ko, "Sige kapag wala kaming gagawing importante, bakit hindi."
Tinanong nya ulit ako kung anong oras ako pupunta sa Robinsons Imus at bigla kong naalala ang oras at nagpaalam agad ako sa kanya. Dali-dali akong umalis ng bahay at pumunta sa bahay ng family friend namin na si Ate Andrea dahil kasama ko sya bumili ng cake. Nagkwentuhan muna kami at nagyosi sa kanila bago umalis. Habang nasa byahe kami, may natanggap akong text mula kay Ren. Saan na daw ako at nandoon daw sya sa Robinsons. yun pala ang binabalak ng mokong, ang makipagkita ng biglaan. Pagdating namin ni Ate Andrea, nakipagkita kami sa pamangkin ko na si Zeke (tomboy) at sa nililigawan nya na si Kinea. Pumunta agad ako sa Red Ribbon upang bumili ng cake at habang hinihintay ko ito, nagtext ulit si Ren at sabi nya "Nakita na kita. Para kang cartoon character kumilos, nakakatuwa!" Nagreply ako at tinanong kung asan sya at bakit di sya lumapit. Sabi nya nakakahiya daw tumabi sakin baka kasi magmukha syang alalay ko, ang reply nya. Sabi ko "Sira ka talaga! sige aalis na ako kung ganoon." Habang bumibili ng pulutan si Ate Andrea sa Max's, umupo ako nang may bigla tumapik sa likod ko. Si Ren pala, sabi nya "Hi cutie!" habang nakangiti. Natawa ako at nasabing "Wassup patootie?!" At nagtawanan nanaman kami. Di naglaon ay ipinakilala ko sya kina Ate Andrea, Zeke at Kinea. Inanyayahan sya ni Ate na sumama sa amin at may birthday nga sa bahay, tumanggi si Ren, kinulit naman nila Zeke at Kinea. Nahihiya man si Ren, hinatak sya ni Ate Andrea at Zeke. Ganoon talaga sila, kapag may bago akong kaibigan eh mas nauuna pa silang makipagkulitan at maging close sa tao. LOL

Umuwi kami na kasama si Ren na tuwang-tuwa naman nakikipag kwentuhan kina Ate. Nang makarating sa bahay, pinakilala ko sya sa mga tao samin at natuwa naman sila kay Ren. Siguro nga dahil may kadaldalan at natural na makulit. Nagsimula ang kainan at inuman. Dumating ang mga kaibigan namin at masayang nagkwentuhan. Mag-aalas 10 na ng nagpaalam si Ren sa amin. Sinamahan ko sya palabas ng subdivision at sumakay ng jeep. Bago sya sumakay, tinitigan nya ako sa mata at sinabing "Wolfram, sobrang enjoy ako ngayong gabi, bukod sa nakita na kita in person, nakilala ko pa ang family and friends mo." Pumara sya ng jeep at humarap uli sakin at biglang nagnakaw ng halik sa labi. Wala syang pakiaalam kung madami man tao. Namula ako at yumuko. Sumakay na sya, ako naman di makapaniwala sa ginawa nya.

Bumalik na ako samin nang muli syang nagtext, "Ang lambot ng lips mo..."
"Bakit mo ginawa yun?" ang reply ko sa knya.
"Kasi... Basta..." tugon naman nya.
"Anong basta?! Pwede ba yun?" sumbat ko.
"Galit ka ba?" tanong nya.
"Hindi naman, binigla mo ako kasi ninakawan mo ako ng halik!"
"Eh kung nagsabi ako sayo, hindi na 'Nakaw na halik' yun." reply nya.
Natawa ako sa logic nya at nagreply ako na loko-loko sya.
"Sige, pasensya ka na ha, ibabalik ko na lang yung HALIK." reply nya ulit.
"Iisa ka pa ha, sira ka talaga Ren! Hahaha!" Sa buong araw nya yun, kahit unang pagkikita pa lang namin, nagkagaanan kami ng loob, para na kaming matagal na magkakilala. Nagtext sya after ilang minutes at sabi na nasa bahay na sya, salamat daw ulit sa anyaya.

September 4 - 10, 2011
Araw araw nya syang natawag sakin at madalas ko namang sagutin kasi wala din ako magawa. Napagkwentuhan namin ang buhay ng isa't-isa. Malayo si Ren sa bayan sinilangan nya, sya lang mag-isa ang nandito sa Cavite. Sa Maynila sya nagtatrabaho. Hindi daw sya bisexual pero tanong ko sa kanya, ano ginagawa nya sa PR? Account pala ng kaibigan nya ang gamit nya, kaya pala headless ang picture. Naiwan daw kasi ng kaibigan nya yung laptop at naka-sign in pa sa PR, naisipan nya gamitin para lang malaman nya kung ano meron. Matagal na daw nya ginagawa yun, basta pagnaiiwan ng kaibigan nya nakabukas, pinakikialaman nya. Lagi daw nya ako nakikita sa tab ng ONLINE-AREA ng Imus. Noong araw na yun, nagbakasakali daw sya mag message sakin. Kaya pala lagi ko nakikita sa VISITORS list ko ang profile na ginagamit nya. LOL

Madami kami napagkukwentuhan, pati lovelife ko natanong nya. Nang matapos ako, sya naman tinanong ko sa lovelife nya. Meron syang nabuntis na babae, ngalan ay Maiah, tinanong ko kung girlfriend nya, sagot nya "Yup!"
Tinanong ko ulit, "Eh bakit mo ako hinalikan?"
"Ewan ko, gusto ko lang... Di ko alam, basta mahalikan lang kita noong gabing yun, masaya ako sa ginawa ko." sagot nya.
"Adik ka! Tigilan mo ako!" reply ko.
"Galit ka ba sakin?" usisa nya.
"Galit ako sa sarili ko, naaawa ako kay Maiah kasi yung boyfriend nya, malandi." tugon ko. Inis na inis ako.
"Wolfram, di ko maintindihan sarili ko, ngayon ko lang ito ginawa." sagot nya.
Nang sandaling yun, parang gusto ko ilusot yung kamay ko sa cellphone at sapakin sya sa mukha.

Itutuloy.
xoxo

2 comments:

  1. kilala ko ata si wolfrm at ren...... san ksunod? more!!!! pra mlman ko kung tama ang hinla ko......hehe

    ReplyDelete
  2. Hmmm. Nakakabitin naman at pinutul pa. Hehe, nice story. Cute xa, haha natatawa ako sa tawaga nyong dalawa dahil ngaun lang ako nakarinig ng ganyan. Sana may makilala din ako kagaya nya, patootie, haha sounds like potato. M0re m0re! Sige lang, nice talaga xa. Kahit walang libog, maayo lagi sya.

    ReplyDelete

Read More Like This